Maawa ka naman, O Mamang kutsero,
Sa katu-katulong na abang kabayo;
Siya'y gumagawa nang yuko ang ulo
At di dumaraing, di nagrereklamo.
Mistulang alipin and katulad niya,
Dulahing mabigat kanyang kinakaya,
Kahit hinahampas ay patuloy siya,
Matulungan ka lang kumita ng pera.
Ako'y sumasamo, O Mamang kutsero
Na huwag sasaktan ang abang kabayo;
Pag siya'y nawala't pumanaw sa mondo
Laking kakulangan sa buhay ng tao
Comments
Post a Comment