Ang aking sagisag ay wikang sarili;
Nang kabataan ko'y wika angnag-iwi,
Kumandong sa akin hanggang sa lumaki.
Ako'y Pilipinong anak ng panahon
Ang ugali't wika ang siyang nag-ampon;
Kaya nang lumaki'y wikang walang gatol
Kakawing ng aking katauhan ngayon
Ako'y Pilipinong ang sinusong gatas
Ay wikang sariling may uring mataas;
Hindi maglalaho sapagka't ang tatak
Pagka-Pilipinong ang wika ay ugat.
Ako'y Pilipinong sulo nitong bayan
Liwanag na tanglaw sa dulong Silangan;
Ay tatak-sagisag sa lupang hinirang.
Comments
Post a Comment