AKO SA MGA ALAGANG HAYOP

Beautiful Dog Hd Wallpaper


Ako ay mabait sa alagang hayop,
Na aking kalaro't katulong na lubos.
Di ko pinapalo o tinatapakan,
Di rin hinihila buntot o katawan,
Binibigyang lagi sapat na pagkain
Malinis na tubig, malamig inumin.
May hihigaan ding hindi mababasa
Nang hindi ginawa ang kaawa-awa.


Comments