Sapagka't masipag ang naninirahan.
May tanim na gulay na napapanahon,
Patola at upo, kamatis at talong.
May bungangkahoy rin ang mga halaman,
Bayabas at santol, manggang manibalang.
At may kulungan din ng baboy at manok,
Nagbibigay-ulam, sa buhay panutos.
At sa isang sulok ay may tilapyaan,
May isdang sariwa na aming pang-ulam.
Ang bawa't bakuran magiging ganito,
Kapag magsisipag ang lahat ng tao.
Comments
Post a Comment