Ay maraming kahoy at mumunting baging,
Isa ang “yantok” tumutubo mandin
Sa pusod ng gubat na lubhang malilim.
Ang yantok ay damong tila di-matibay
Maliit na puno’y mahihina lamang,
Nguni’t kung lumaki at maging magulang
Mainampanali’t matibay na tunay.
Ang yantok ay mayroong dahong mahahaba
At kulay luntian kung ito ay mura,
May tinik sa punong parang makahiya
Mahahabang ugat ay kahanga-hanga.
Ang yantok ay siyang panali sa atip
Ng maraming bahay na yari sa pawid,
Ito rin ang siyang pambigkis na gamit
Sa lahat ng ating
nabibiling walis.
Comments
Post a Comment