Tao ay marami, iba't ibang lahi,
Sarisaring kulay, pati na ugali
Wika man at damit, pagsampalataya,
Tao sa daigdig ay nagkakaiba.
Nguni at kung sadyang pakaiisipin,
Kahit iba-iba ay iisa pa rin.
Lahat nagmamahal sa Diyos at kapwa,
Lahat nagnanais na maging payapa.
Malaya sa takot at paghihikahos,
Malaya sa isip at wastong pagkilos.
Mga bansang lahat ay nagkakaisa,
Sa mabuting gawa'y tulung-tulong sila.
Sila'y bigkis-bigkis, sila'y sama-sama,
Payapang daigdig ang tangi pag-asa.
Comments
Post a Comment