TAG-ULAN NA NAMAN

heavy rain is by far one of the most interesting games i ve ever come ...Ang dakong silanga’y may lambong na ulap,
At ang bolang apoy natakpan ang sinag,
Ang  araw na dating kay ning-ning ng sikat,
Ay biglang naparam ang iwing liwanag.

Kaya pala gayong kulimlim ang langit,
Bugsu-bugsong hangi’t kilat ay gumuhit,
At nagbabalitang tag-ula’y sasapit.
Ang tigang na lupang sa tubig ay uhaw,
Ngayo’y inararo’t masiglang binungkal.

Noon di’y bumuhos malakas na ulan
At sa di kawasa’y tag-ulan na naman,
  
Ang lantang halama’y muling nanariwa,
Sa patak ng ulang dumilig sa lupa;
Sa bukirin nama’y hayo’t maglipana.
Mga magsasakang hasik ay biyaya.

Kaya kung tag-ula’y kay saya sa bukid
Bisig ng paggawa’y gumagawang bisig
Hindi natatakot sa ulan at init
Mundo’y binubuhay sa tulong ng pawis,


Comments