Kaming mga magsasaka’y yagit lamang sa lansangan,
Sa lungsod ay hamak kaming yumuyukod sa kawayan;
Dito kami nabuhay sa sikat ng haring araw,
At ulan na dumidilig sa bukirin at palayan.
Yagit kami, oo’t ngunit moong na timbulang
Sadigan ng mahihina’t patnubay ng ating bayan!
Sa pagsikat na ng araw ay amin nang bubungkalin
Ang matabang lupa
nating noo’y hindi pinapansin
Sa pag hagod ng araro’y nawawala ang panimdim,
Puso nami’y umaapaw sa galak na sumusupling.
Hamak kami, oo’t hawak nguni’t diwa’y nag-aangkin
Ng dangal ng isang lahing sa sipag ay nagniningning!
Bawa’t suksok ng binhi sa lupang itim na maputik
Ay uha ng isang buhay na sa bukid nananalig;
Sa lipaking mga kamay tumitingin yaong pawis
Habang tirik and araw na sa taas ay nanga ngalit.
Aba kami, oo’t aba nguni’t ang aming limahid
Na paa at mga kamay ang sa bansa’y umuugit!
Comments
Post a Comment