ANYAYA

Gavin Ellison, 9, (right) climb a tree in Wesselman Park as they play ...
Narinig ko ang huni ng ibong marikit

Ako'y niyayayang magsaya't umawit,
Kay ganda nga naman ng aking paligid 
Ano't sasayungin sa pagkakaidlip

Halina. halina, anyaya ng hangin
Ang maraming pook ay aking libutin,
Lahat ng makita'y magaang tanawin
Kaya't tayo na nga't ating pagmalasin.
Sumama ka na, nong mga puno
Sa mga sanga nami'y umakyat, maglaro,
Manguha ug bungang mga hugis puso
Hinog at makatas, alay na masuyo,

Tayo na, tayo na, ang awit ng batis
Maglunoy sa aking tubig na malinis,
Malinaw na kristal, anong pagkalamig
Kahit inumin pa'y masarap, matamis

Ng ga bubuyog,maya,at pipit
Kami'y maghihintay. kami'y nasasabik
Sa iyong pagdating, kapatid na ibig

Ako'y bumangon nga't agad sinalubong
ng kapaligirang tuwang umaayon,
Di dapat sayangin ang araw sa ngayon
Sapagka't maganda, ang gintong panahon.


Comments