Pagsikat ng araw sag awing silangan
Bababa si Ama, kasunod si Inang;
May bayong na dala at lilik na tangan
Ang tungo’y sa bukid, doon sa anihan
Dalaga’t binata, matanda at bata,
Pawang masisigla at lipos ng tuwa;
Sama-sama silang sa bukid ang tumpa,
Upaang gapasin ang biyaya ng lupa.
May huni ang ibon at ngiti ang tanan,
Sa tindi ng init ng katanghalian;
Kay liksi ng kamay sa paggagapasan,
Kay sigla ng paa sa paggigiikan.
Wala silang pagod sa buong maghapon,
Tanging nadarama’y ang kanilang layon;
Na pasalamatan ang Dakilang Poon,
Sa biyayang laan sa buong santaon.
Comments
Post a Comment