ANG MABILOG NA SI BEN





Si Ben ay malusog
Katawa'y mabilog
Pagka't kumakain
Ng gulay at itlog

Si Ben ay Masaya,
Pisngi’y mapupula,
Pagka’t naliligo,
Sa tuwing umaga.

Ang kaniyang baro’y
Palaging malinis,
Makintab ang buhok,
Balat ay makinis.

Umiinom siya
Ng sariwang gatas,
Saka kumakain
Ng maraming prutas.

Ilang basong tubig
Ang iniinom niya
Kaya’t ang katawa’y
Masiglang-masigla.






Comments