Iyan po ang aking likas na pangalan;
Laging nagwawagi at nagtatagumpay
Sa lahat ng gawa ng kasamaan.
Sa lahat ng saglit maging sa tuwina;
Lhat tayo’y dapat, lubos magkaisa
Nang ating matamo ang tawa’t ligaya.
Ang bawa’t tao ay dapat magsipag
Ang bawa’t tao ay dapat magsikap!
Nang ating makamtan ang buti ng palad,
At nang makamtan din ang ginhawang hanap.
Kung ito’y magawa ng pusong matapat
Ang kapayapaan ay ating malalasap. Akong naghahangad ng kapayapaan
Dito sa daigdig ng bawa’t nilalang
Ako’y lagging hanap inaasam-asam
Nang upang matamo ang katahimikan
Ako’y siyang ugat ng kariwasaan;
Kapagka ang tao’y masipag ngang tunay
Siya ay uunlad at saka yayaman.
Na nag papabuti sa buhay nino man;
Kung masagana na, ating kalagayan
Ay yayakapin din ang kapayapan.
Upang mapabuti ang sariling palad;
At dapat iwaksi sa puso at hagap
Ang kapabayaan at pagiging tamad.
Comments
Post a Comment