SAKUNA'Y IWASAN

How to Prevent Kitchen Accidents | eHow.com

Sa bahay man at lansangan,
Ang sakuna ay iwasan,

Ang tuntunin ng trapiko
Dapat sundin nang totoo.

Kapang may apoy sa kalan,
Ito'y di dapat na iwan, 

Ang posporo ay iligpit
Lalo sa batang maliit.

Baling hagdan o sahig man
Ipagawa nang agaran.

Ang balon na walang takip
Ay talagang mapanganib.

Siga ay dapat bantayan,
Ang sunog pakaiwasan.

Ang sakuna ay iwasan,
Hahaba ang iyong buhay.

Comments